Friday, October 3, 2008

Masasayang sandali

habang hawak ang alak
at sigarilyo saking mga kamay,
ramdam ramdam ko
ang kasiyahan nung mga
sandaling iyon,
rinig ko ang mga halaklakan
ng aking mga kaibigan,
rinig ko rin ang bawat
pumapasok sa kanilang
mga isipan,
nung mga sandaling iyon
kami'y walang pakialam
nung gabing yon,
nilimot muna ang lungkot
kinalimutan mo na ang
problema,
kinalimutan ang lahat..
saya ang nangingibabaw
sa aming lahat.
mga mata'y namin,
nagsisiklapan..
ang sarap nung mga sandaling
iyon, ako'y napaisip at humiling
na sana'y hindi na matapos
ang gabing iyon,
ayaw ko ng mawala ang
sayang aking nararamdaman nung
mga sandaling iyon,,
sana ganun nalang parati..
sanay wala ng lungkot na
umiiral sa ating mundo..
panandaliang ligaya lang
ang maari natin maranasan,
ako'y unti unti ko ng
minamahal ang mga taong
nagbibigay sa aking ng kaligayahan.
laking pasasalamat ko sa kanila
dahil sa kanila, naranasan ko
yun, sana ganito nalng
parati..

No comments: